in

Abangan ang lalong pag-kinang ng mga World Class Performers at hosts sa bakuran ng Star Magic

Ang strategic partnership sa pagitan ng Star Music, Polaris, at ng A Team, na minamanage ng multi-awarded singer-songwriter Ogie Alcasid, ay naging posible para sa mga inaabangan na performers at hosts sa bakuran ng Star Magic. Ang pinakamalaking talent management agency sa bansa ay patuloy ang paghahatid ng mga pinakamahusay sa industriya sa pamamagitan ng Star Magic Black Pen Day event noong June 19.

Sa patuloy nilang paghahanap ng mga bago, unique at most promising singers, tampok ang bagong singers ng Star Music na sina Sab at Recio.

SAB

Hindi pa rin makapaniwala si Sab na ang kanyang audition para sa Star Music noong siya ay 15 years old ang magiging daan para maging Star Magic newbie. Bukod sa pagkanta at pagtugtog ng ukulele, isa rin siyang song writer. Siya ay nagrelease ng 3 singles noong July 2020 sa ilalim ng Star Music at humakot ng mga maraming views sa kanyang pag-cover ng mga hit songs, kabilang na ang theme song ng “He’s Into Her”. Ngunit, isa sa kanyang biggest milestone ngayon ay nafeature ang kanyang original na kanta na “She” sa award-winning K-Drama na “Flower of Evil”. Bago iyon, ginamit ang kanyang kanta sa BL series na “Hello Stranger”. Marami man siyang gustong makatrabaho, ibinahagi ni Sab na karamihan ay singer-songwriters tulad nina Jayda at Kyle Echarri, at iba pa.

RECIO

Para kay singer-songwriter Recio, ang pagiging parte ng Star Magic at Star Music ay parehong humbling at inspiring experience. Inaasahan niya na makakuha ng maraming opportunities at mahasa ang kanyang kakayahan ng mga mahuhusay sa industriya. Umaasa ang baguhang singer na maging inspirasyon ang kanyang kanta at makapaghatid ng mensahe sa malaking audience mula ngayon. Lumaking mahiyain si Recio kaya binabahagi niya ang pagsusulat ng kanyang kanta sa kanyang mga close friends para maexpress niya ang kanyang sarili. Ngayon na siya ay confident at handa na sa kanyang live performances kapag tapos na ang pandemya. In the future, umaasa ang Psychology student na ang kanyang kanta ay maging bahagi ng coming-of-age film.

Sa pamumuno ng batikang performer-songwriter Ogie Alcasid, ang A-Team talents ay bahagi na rin ng Star Magic. Aabangan ang mas maraming malalaking produksyon, creative music at different kinds of genre na mapapanood soon.

POPPERT BERNADAS

Kilala na si Poppert sa teatro kung saan naging bahagi siya ng mga kilalang plays tulad ng “Rak of Aegis” Ang nasabing play ang naging daan para subukang mag-audition para sa “The Voice of the Philippines” Sa kanyang long list of achievements, isa si Poppert sa naging miyembro ng The Ryan Cayabyab Singers sa pamumuno ni Maestro Ryan Cayabyab. Pambato rin ni Poppert ang kanyang galing sa pag-arte kaya hindi nakapagtataka na mapabilang siya sa ilang mga Kapamilya shows na “Starla” at “Ang Sa Iyo Ay Akin”

MOIRA LACAMBRA

Ang pagwelcome sa kanya ng kanyang bagong pamilya sa Star Magic ngayong pandemya ay isang blessing para kay Moira. Ang promising A-Team member na ito ay nagmula sa pamilya ng mga musicians at pamangkin ng ethnic singer and musician na si Joey Ayala. Sa murang edad na 13 years old unang nagperform si Moira at pormal na nag-aral ng voice training. Maswerte siya dahil nakapagrelease siya ng kanyang sariling single na “First Date” noong siya ay 16 years old pa lamang. Inaasahan ng Business Administration graduate na mas lalo pang maipakita ang kanyang talento sa music industry, at mabigyan ng opportunity na maibahagi niya ang kanyang talento abroad.

LARA MAIGUE

Kung may isang salita para mailarawan si Lara, ito ay kanyang pagiging passionate. Passionate siya sa kanyang kanta, pagperform, at ngayon, ang pagluluto. Naging bahagi siya ng singing group na Opera Belles, na under ng Sony Entertainment. Naging finalist sa PhilPop Music Festival at nadiskubre siya para sa lead role sa isang musical teleserye noong 2011. Parehong taon na iyon ay nadiskubre siya ni Ogie bilang kauna-unahang talent sa kanyang agency. Mula 2013, siya ay naiimbita sa mga shows around the world bilang soprano classical singer at stage work sa mga theater at opera. Umaasa ang singer-songwriter na makasama sa iisang stage ang the one and only Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

DAVEY LANGIT

Ang pagiging bahagi ng Star Magic, bukod sa A-Team, ay parang full circle para kay Davey. Ang kanyang unang big break ay nag-umpisa nang maging parte siya ng ABS-CBN songwriting na “Pinoy Dream Academy” noong 2006, ito ay nagbigay sa kanya na maging bahagi ng premier talent management ng network. Sa maraming taon na pagsali niya sa maraming songwriting competitions, nahasa ang kanyang kakayahan at matupad ang kanyang mga pangarap. Ang quarantine period ay naging productive para sa kanya na magfocus sa kanyang improvement sa pagkanta, pagtugtog ng gitara, pagsulat ng kanta, producing at studio work.

KRYSTLE

Bumilis ang tibok ng puso ni Krystle nang malaman ang magandang balita na bahagi na siya ng Star Magic. Labis ang kanyang pasasalamat sa mga biyayang natatanggap dahil ang iba sa kanyang mga nakasama noon na sina KZ Tandingan at Iñigo Pascual ay Kapamilya na niya sa Star Magic. Mula sa kanyang unang gig sa Valentine’s show sa isang global coffee chain sa Manila noong 2014, malaki ang nabago sa career ng A-Team member na ito na kumanta sa mga commercials at swerte siya na makuha sa isang fast food “hugot” commercial na nagviral di kalaunan. Looking forward si Krystle sa exciting collaboration kasama ang iba pang magagaling na singers.

AIKEE

Isa namang wonder kid na maituturing si Aikee, ngayong miyembro na siya ng A-Team na nagsisimula pa lamang ngayon. Siya ay nagsimula bilang isang rap artist noong siya ay 6 years old, at para matupad iyon, isa siya sa mga batang rappers na nagawang maglabas ng kanilang album. Kabilang na dito ang 2013 hit song na “Dota o Ako” at sumali at manalo sa mga songwriting competitions gaya ng “Himig Handog 2017” para sa kantang “Extensyon” at “Himig Handog 2019” para naman sa kantang “Please Lang”, na parehong nanalo bilang Best 3rd Song title awards. Grand Winner din sa “Philpop 2020” competition para sa kantang “Bestiny”. Marami pang pangarap si Aike at kabilang dito ay ang makapagsulat ng isang official soundtrack sa isang soap o pelikula, at maipakita ng kanyang acting skills.

ANTHONY BARION

Sa ngayon ay proud si Anthony sa dalawang bagay– maging bahagi ng Star Magic at sa wakas ay matupad ang kanyang mga pangarap. Bukod sa kanyang A Team family, Isang bagay na lubos niyang pinasasalamatan ay mapabilang sa kanyang bagong talent management. Nagsimula siya sa simpleng streaming sa KUMU at naging daan para madiscover siya ng A-Team. Bukod sa kanyang talento, dala ni Anthony ang positive work ethics sa show business, dahil mahigpit ang kumpetensya sa industriya. Dahil sa kanyang pagsisikap at right attitude, umaasa si Anthony na mas maging mahusay na host at makatrabaho si Robi Domingo. Nais rin niyang subukan ang pag-arte on camera at makatrabaho ang mga Kapamilya stars.

GIAN MAGDANGAL

Nakilala si Gian bilang isa sa mga elite set of artists at A-Team member, at mas lalo pang lumaki ang kanyang pamilya bilang isa na ring Star Magic artist. Kahit na gumawa na siya ng pangalan sa theater industry, binasag ni Gian ang mainstream industry nang manalong runner up sa “Philippine Idol” noong 2006. Mula noon, siya ay nakita sa ilang variety shows at teleserye. Pero ang interesting sa kanyang colorful career ay naging performer siya sa mga international theme parks sa Hong Kong at Japan. Dahil sa pandemya, kinailangan niyang umuwi at ipagpatuloy ang kanyang passion sa pagproduce ng sarili niyang kanta at performance sa bansa. Sa hinaharap, pangarap niya na maging first lead role sa isang soap at makatrabaho ang ilan sa mga magagaling na mga artista sa showbiz gaya nina Jodi Sta. Maria at Judy Ann Santos, at iba pa.

Ang “Tawag ng Tanghalan” pride mula sa Polaris ay handa nang ipakita sa bigger stage ang kanyang talento bilang bahagi ng Star Magic.

JM YOSURES

Inilarawan ni JM ang opportunity na maging bahagi ng Star Magic na Unreal. Hindi inaasahan ng “Tawag ng Tanghalan Season 4” winner na ang kanyang lakas ng loob at tapang na mag-audition para sa TNT last year ang susi para sa isang bagong career. Isang biggest break sa kanya ang makilala sa limelight dahil aminado ang binata na hindi lubos maisip ang swerteng kanyang natanggap. Pangarap ni JM na maging bahagi ng musical series, matutong sumayaw at gumawa ng choreography, mag-direct, at magbahagi sa kanyang audience ang kanyang brand of entertainment hindi lamang sa PIlipinas kundi pati sa ibang bansa.

SHEENA BELARMINO

Naging member na ng “ASAP’s” New Gen Divas si Sheena Belarmino nang pumirma ng kanyang kontrata sa Star Magic. Ang young power belter ay nagsimula ng kanyang karera noong nag-audition siya para sa “Dance Kids”, naging fourth placer sa “Tawag ng Tanghalan Kids” noong 2017 at 2018 naman sa “Your Face Sounds Familiar Kids Season 2”. Mula noon ay unti-unti na nakilala ang dalagitang si Sheena sa Kapamilya network. Bukod sa painting at drawing, pinagtutuunan nya ng oras ang mas lalo pang pagbutihan ang kanyang performance skills- sa pagkanta at pagsayaw

MATTY JUNIOSA
Kabado at karangalan para kay Matty na maging opisyal na Kapamilya ng Star Magic. Tiwala sya na mas lalago at mag-iimprove siya bilang isang singer at performer. Lingid sa kaalaman ng lahat, walang formal training o workshop experience si Matty at ipinagmamalaki niya na natuto siya about sa performing noong 14 years old sa teatro. Nag-audition sa “Star Hunt” noong 2018, at naging contestant sa “Idol Philippines” noong 2019, at naging applicant para naman sa “The Voice of the Philippines Season 2”. Sa ngayon, kasama ang dalawa pang member ng iDolls, pinakita nila ang kanilang talento sa “Your Face Sounds Familiar 3”

ENZO ALMARIO

Hindi na bago para kay Enzo ang pagsali sa mga talent competitions dahil isang fun fact tungkol sa kanya ay ang unang pagtapak sa ABS-CBN compound noong siya ay 7 o 8 years old at sumali sa “Little Big Star”. Matapos ang isang dekada, mapalad siya na makapasok sa “The Voice of the Philippines” at sa “Idol Philippines”. Hindi huminto sa mga auditions sa kabila ng pagkabigo sa mga contest na kanyang sinalihan. Nagtuloy-tuloy sa paggawa ng kanta at kaliwa’t kanang appearances hanggang makilala na isa sa iDolls kasama sina Matt at Lucas. Ang pakikipagsapalaran at pagsusumikap na makamit ang kanyang pangarap ang susi ni Enzo para matupad ang kanyang greatest dream na makapag perform ang mga magagaling na performers on stage. Isa sa hindi malilimutan ay ang recent stint nila sa katatapos na “Your Face Sounds Familiar 3”. Wish rin ni Enzo na mabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho sina Andrea Brillantes, Charlie Dizon, at Regine Velasquez in the future.

LUCAS GARCIA

Para naman kay “Idol Philippines” 1st runner up at iDolls member na si Lucas, best partner ang Star Magic para sa new opportunities at makakapagbigay sa kanyang ng magandang platform para maipakita ang kanyang talento. Isang legit na “kontesero” sa murang edad na 5-years-old hanggang maging isa sa trio ng Idolls kasama sina Matty at Enzo. Excited si Lucas na mas mapahusay pa ang kanyang talento at maging isang versatile talent, hindi lang sa pagkanta at pagsayaw, kundi maging sa isang aktor at host. Bukod sa “Your Face Sounds Familiar Season 3” at “ASAP”, labis ang kanyang pasasalamat sa kanyang home network . Kung mabibigyan man ng pagkakataon, gusto niyang makasama sa stage sina Angeline Quinto at Sarah Geronimo at maka-project kasama sina Angelica Panganiban at Paulo Avelino, at iba pa.

JANINE BERDIN

Mula sa pagkapanalo niya sa “Tawag ng Tanghalan” season 2 na si Janine Berdin. Marami ang hindi nakakaalam na pangarap ni Janine na maging parte ng Star Magic noong siya ay bata pa. Sumali noon si Janine sa “Star Circle Quest Kids Edition 2011” kung saan siya ay fourth female semi-finalist. Bukod sa pagsulat ng kanta, nais rin niyang ipursue ang career sa filmmaking at graphic arts. Pero ngayon, ang goal ni Janine ang magkaroon ng sariling album at ipakita ang kanyang sariling musika. Kasalukuyang bahagi si Janine ng “ASAP’s” New Gen Divas at “Showtime Online University”.

Isang eksklusibong feature para sa mga bagong Star Magic Kapamilya ang makikita sa Metro.style. Abangan ang Star Magic Black Pen Day sa July 18, 9:30 ng gabi sa A2Z at Kapamilya Channel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sanya Lopez, nasungkit ang Top Celebrity Award mula sa TikTok!

Ron Solis, may mensahe ng Self-Love para sa LGBTQIA+ Community