Mala-fiesta ang pagdiriwang ng FYE channel ng 1st anniversary nito sa Pinoy livestreaming platform na kumu tampok ang pinakabagong shows, bonggang episodes, at ang inaabangang 1 million kumu coin giveaways ngayong July.
Magsisimula ang “FYEsta” ngayong Linggo (July 4) na magbibida sa bagong livestreams na dapat abangan tulad ng talk show ni Awra Briguela na “Rated Z,” “Metro Model Search,” “Pet Talks with Doc Gelo” kasama ang veterinarian na si Dr. Angelo Martin Vargas, ang nakakatakam na “kumukbang with BiteKing” ni James Torres, “It’s Game Time” kasama si Navs Ganglani, ang inaabangang “The Squad +” show, at marami pang iba.
Magpapatuloy din ang pagdiriwang sa iba’t ibang special episodes ngayong buwan. Makakasama ni Ces Drilon sina Yorme Isko Moreno, Gardo Versoza at Jose Mari Chan para sa reunion episode ng “Bawal Ma-Stress Drilon” sa Lunes (July 5). May free tarot reading naman para sa isang lucky viewer na makakasama sa stream ng “Hanz Swerte, Hanz Saya” simula July 12 hanggang July 16. Makakakwentuhan din ni Macoydubs si Kakie Pangilinan sa “Kwentong Macoy” sa Miyerkules (July 7). Bibida naman sa “Metro Chats” sina Maureen Wroblewitz at Alyssa Muhlach sa July 8, Arabella Davao at Kaila Estrada sa July 15, at Lou Yanong at Ashley del Mundo sa July 22.
Samantala, isang milyong kumu coins ang ipapamahagi sa kumunizens sa mga programang “Pinoy Vibes with Stargazer,” “Talak ni Mameh Grace,” “The Squad +,” “Pet Talks with Doc Gelo,” “RHRN,” “Kumu Star Ka!,” “Chacha Tonight,” at “Rated Z” mula July 11 hanggang July 17 at sa “Thank You, Doc,” “Hanz Swerte, Hanz Saya,” “SPPM,” “Kumunsulta,” “For Your Improvment,” “Lakas Tawa,” “Kwentong Macoy,” “Metro Chats,” at “Trabahanap” simula July 18 hanggang July 24.
Isa sa digital channels ng ABS-CBN subsidiary na Creative Programs, Inc. ang FYE na nagsimulang mag-livestream sa kumu noong July 2020 tampok ang masasayang kwentuhan kasama ang kilalang Kapamilya personalities at mga tumatak na social media celebrities. Sa kasalukuyan ay meron na itong 314,000 followers at may average na 330,000 views kada buwan. Hatid nito ang fresh content araw-araw kasama na ang mga showbiz talk shows na “Anong Meron, Chikkaness?,” “PopCinema,” “Showbiz Café,” at “The Best Talk.”
Makisaya sa #happyFYEsta celebration ng FYE ngayong July. Magdownload na ng kumu app gamit ang link na ito: https://app.kumu.ph/fyechannel at sundan ang @fyechannel. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.