Ibinahagi ng bagong Kapuso na si Bea Alonzo na dream come true para sa kanya na ma-interview ng GMA News pillar na si Jessica Soho

“Meron akong interview na mangyayari sa farm sa Zambales with Ms. Jessica Soho. Actually dream of mine rin na ma-interview niya. Magko-collab din kami sa vlogs so watch out for that,” pagbabahagi ni Bea sa kanyang fans sa pamamagitan ng Kapuso Kuwentuhan Live na ginawa ni Bea nitong July 1 pagkatapos niyang pumirma sa GMA Network.
Ngayon pa lang ay isa na nga ang interview na ito with Jessica sa mga inaabangan ng maraming fans ni Bea.