in

Jeric Raval, ‘one-woman man’ na ngayon?

Ngayong Miyerkules, samahan si Pia Arcangel kilalanin at makipagkuwentuhan sa ‘Kalabang Mortal ni Baby Ama’ na si Jeric Raval, kasama ang anak niyang si AJ Raval, sa bagong episode ng Tunay na Buhay.

Isang kilalang action star noong 90s, hinangaan ng marami si Jeric dahil sa kanyang buwis-buhay na stunts at action scenes sa kanyang mga pelikula. Dahil sa angking kisig at tapang, maraming babae ang nahumaling sa kanyang kagwapuhan. Sa katunayan, mayroon siyang 18 na anak mula sa iba’t ibang nakarelasyon niya sa showbiz.

Pagkalipas ng maraming taon, totoo bang ang dating ‘chickboy’ noon, isa nang ‘one-woman man’ ngayon? Sabay-sabay natin itong alamin sa Tunay na Buhay ngayong June 30, 11:30 PM pagkatapos ng ‘Saksi’ sa GMA 7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Paghihiganti ni Erich Gonzales sa ‘La Vida Lena,’ inaabangan na!

Star Music, mahigit 60 ang nominasyon sa 2021 PMPC Star Awards for Music