Hindi masisisi ang mga netizen na humahanash dahil sa maling direksyon na kinahinatnan ng kanilang mga idolo.
Mga lalaking talents ang inaalagan ng management na tinutukoy na nagkalat lahat sa social media.
Kaliwa’t kanan ang pamba-bash sa mga lalaking ito mula sa fans nilang conservative. Maraming fans na ang kumalas at tinapos na ang pag-iidolo sa kanila dahil sa hindi magandang influence sa kabataan.
Mausisa na rin ang fans ngayon pagdating sa kanilang iniidolo dahil pati track record ay kanilang binubusisi. Dahil sa mga sex scandal at bad attitude ay umaayaw na ang fans.
Nagpatotoo d’yan ang aming source na talaga naman daw na walang direksyon ang management na ito na may very unprofessional na head. Mahirap daw silang kausapin.
Kapag hindi maayos ang mismong management, maaapektuhan talaga ang mga talent. Nung nagkasunud-sunod ang kontrobersya sa young actors, hinayaan ng management ‘yun.
Hinayaan din nilang magkalat sila. Kung iisipin nakakaawa naman talaga ang sinapit ng mga lalaking ito pero hanggang ngayon kasi ay mayayabang sila na again, hindi na naman inayos ng management ang kanilang mga ugali.
Advice nga ng aming source, “Naku, magpahinga muna sila. Magnilay-nilay sa mga kakalatan nila na hindi magandang impluwensya sa kabataan. Bawasan ang kayabangan or else saan kayo pupulutin?”