in

Ipinakilala ang mga bagong Kapamilya ng Star Magic

Isang momentous event para sa Star Magic nang ipinakilala ng premyadong talent management ang higit sa 40 artists sa Star Magic Black Pen Day na naganap noong June 19 at napanood sa Star Magic YouTube channel at Facebook Page.

Kabilang sa pormal na ipinakilala ang labing-tatlong pangalan na aabangan sa kani-kanilang proyekto sa ABS-CBN. Kilalanin sina Kaila, Luis, Vitto, Rans, Vance, Arabella, Maureen, Mary Joy, Sela, Paolo, Zabel, Migo at Jake.

KAILA ESTRADA

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na si Kaila ay anak nina Janice de Belen at John Estrada. Nag-umpisa bilang isang model sa edad na 17 years old pero mas nangibabaw ang interes niya sa pag-aartista hanggang sa nag-audition sya sa Star Magic at naging trainee. Isa sa aabangang proyekto ni Kaila ay ang kanyang first project na Viral.

LUIS VERA-PEREZ

Mula sa angkan ng Vera Perezes, hindi imposible na pasukin rin ni Luis ang showbiz. Aminadong challenging para sa kanya na maikumpara sa kanyang mga kaanak pero mas naging motivation niya ito para mas lalo pang pagbutihan ang kanyang mga workshops. Bukod sa acting, isa siyang livestreamer sa KUMU at mahilig sa gaming, at biking. Debut project nya sa Kapamilya ang upcoming soap na “Marry Me, Marry You.”

VITTO NERI

Isa si Vitto sa mga baguhang pangalan at tinuturing na showbiz royalty dahil anak siya ni Victor Neri na naging produkto rin ng Star Magic. Tulad ng kanyang mga kasabayan sa industriya, nag-enroll siya sa Star Magic Acting Workshops para matutunan ang acting at magkaroon pa ng kaalaman para matupad rin ang pangarap niyang maging direktor. Pangarap din niya makasama at makatrabaho sa isang action project ang kanyang ama.

RANS RIFOL

Bata pa lang ay hilig ni Rans ang pag-arte at mag-perform. Napabilang siya a MNL48 na isa sa kanyang biggest break at dahilan para mas naging passionate sya sa kanyang karera. Naging motivation niya na pagbutihan ang kanyang talent at skills kaya naman nagbunga ang kanyang tyaga nang mapabilang siya sa ilang teleseryes at indie films. gNaging sulit ang kanyang mga trainings kung saan nagkaroon sya ng pagkakataon makatrabaho sina Daniel Padilla at Ms Charo Santos sa ”Whether the Weather is Fine”.

VANCE LARENA

Kinilala bilang indie actor si Vance sa kanyang unang indie film na “Bar Boys,” kung kaya’t naging madali ang kanyang pagtawid sa mainstream mula teatro. Naging bahagi ng FPJ’s Ang Probinsyano at nasundan ng kanyang next project na “Viral” kung saan makakasama niya sina Dimples Romana, Jake Cuenca, Charlie Dizon, Joshua Garcia at marami pang iba.

ARABELLA DAVAO

Perfect timing para kay Arabella na pasukin ang mundo ng showbiz. Anak nina Jackie Lou Blanco at Ricky Davao, suportado siya ng kanyang pamilya na itinuturing niyang support system kahit di pa man siya sigurado noon sa pagpasok sa industriyang kanyang kinalakihan. Malaking tulong ang kanyang pamilya para sa kanyang desisyong tanggapin ang offer na maging bahagi ng Star Magic. Tanggap din ni Arabella ang mga pagkukumpara sa kanya at kanyang pamilya pero mas advantage daw ito sa dalaga dahil mayroon siyang best mentors na gagabay sa kanya.

MAUREEN WROB

Kinalakihan at naging bahagi ng kabataan ni Maureen ang panonood ng The Filipino Channel kaya naman isang malaking achievement sa kanya na mapili ng Star Magic para maging isang contact artist. Hindi matatawaran ang ibinigay niyang pride sa ating bansa nang Manalo sa fifth season ng Asia’s Next Top Model. Matapos ma-enjoy ang pagmo-modelo, sinubukan naman niya ang acting kung saan kabilang siya sa Star Magic Acting Workshops where she discovered and honed her skills in acting. Abangan ang kanyang unang movie project ngayong taon under Reality Entertainment.

MARY JOY APOSTOL

Isang Tourism Management graduate si Mary Joy na palipat-lipat sa iba’t ibang talent management agencies mula nang pumasok sa showbiz sa edad na 13 years old. Hindi maipaliwanag ang lubos na kaligayahan na sya ngayon isang Star Magic artist. Hindi naging mapili sa mga roles si Majoy, mapa-cameo or bida hanggang sa nagkaroon ng biggest role at napansin ang kanyang iconic performance sa award-winning indie film na “Birdshot” at naging cast member ng ilang Kapamilya shows tulad “Los Bastardos” at ng “Walang Hanggang Paalam.”

PAOLO GUMABAO

Lumaki sa pamilya ng mga artista (mula sa ang angkan ng mga Gumabaos), mas naging passionate siya na larangan ng pag-arte na gusto niyang gawin sa mahabang panahon. Suki ng si Paolo ng mga Kapamilya shows mula “Oh My G” at ngayo’y kabilang rin siya sa “Huwang Kang Mangamba” Isa sa biggest break niya ngayon ay ang BL film na “Lockdown” na kanyang pinagbibidahan sa ilalim ng direksyon ni Joel Lamangan. Contented at happy ang actor sa takbo na kanyang karera at ang maging bahagi ng talent management ng ABS-CBN.

MIGO MANIKAN

Lumaking may kaalaman sa showbiz si Migo dahil na rin sa kanyang mga magulang- ang beteranang aktres na si Susan Africa at batikang actor na si Spanky Manikan. Mahabang panahon bago niya napagdesisyunan na suungin ang industriya at isa ang kanyang ama na naging dahilan para subukan ito hanggang pumirma ng kontrata sa Star Magic. Mas lalo niyang pagbubutihan ang pag-arte at excited siya mas lalong matuto sa industriyang kanyang kinamulatan.

ZABEL LAMBERTH

Dream come true para kay Zabel na maging Star Magic artist matapos ang hindi mabilang na auditions, TV game shows , online, TV commercials at workshops na kanyang ginawa mula noong 16 years old pa lamang sya. Walang pagsidlan ang saya at excitement ng aktres na gumawa ng kanyang unang proyekto sa ABS-CBN. Habang patuloy ang series of trainings at workshops, abala rin siya sa kanyang pag-aaral at kasalukuyang kumukuha ng Communication course sa Saint Louis University Baguio.

SELA

Tulay sa katuparan ng pangarap ni Sela ang maging miyembro ng MNL 48 at ang desisyon niyang iwanan ang kanyang grupo ang nagsilbing daan para ipursige ang kanyang pangarap na umarte sa camera. Isa malaking blessing para sa kanya ang maging bahagi ng pamilya ng Star Magic kaya naman mas lalo niyang pagbubutihan ang kanyang skills sa acting, dancing at singing.

JAKE EJERCITO

Malaki ang expectations kay Jake dahil noon pa ma’y kilala na siya sa industriya bilang anak ng mga kilalang personalidad, ang dating President at actor na si Joseph Estrada, at dating aktres na si Laarni Enriquez. Handa at willing naman siyang pag-aralan paunti-unti para mas lalong ma-hone ang kanyang talento sa acting at hosting. Laking pasalamat din si Jake dahil mawerte siyang napili na maging one of cast members ng “Marry Me, Marry You”.

Abangan ang airing ng Star Magic Black Pen Day sa July 4, 9:30 PM sa A2Z at Kapamilya Channel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Resident band na Six Part Invention, sobrang aliw kay Vice Ganda sa ‘Everybody, Sing!’

Papremyo at saya, aapaw sa ‘Showbiz Play Pa More’ ng Jeepney TV at Kumu