in

Iya Villania at Chef Jose Sarasola, mapapanood muli sa season 2 ng ‘Eat Well, Live Well. Stay Well.’

Bagong delicious at nutritious recipes ang hatid nina Iya Villania-Arellano at Chef Jose Sarasola sa pina-level up na second season ng ‘Eat Well, Live Well. Stay Well.’

Simula ngayong July, tutukan ang pinasayang cooking collaboration nina Iya at Chef Jose upang ibahagi sa viewers ang ilang delicious, nutritious, at budget-friendly meals na siguradong papatok sa panlasa ng lahat.

Ipapakita ng young mom at homemaker na si Iya at ng celebrity chef at fitness buff na si Chef Jose ang ilang recipes na maaaring gawin gamit ang iba’t ibang Ajinomoto products.

‘Wag palagpasin ang inihandang new recipes nina Iya at Chef Jose sa ikalawang season ng Eat Well, Live Well. Stay Well. ngayong July na sa GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ruru Madrid, bibida sa fresh episode ng ‘Dear Uge’

Yuka Saso, Nonito Donaire Jr., at Alex Eala, at iba pang Pinoy, nagliwanag ang galing sa mundo