in

Ultimate party kasama ang biggest stars ngayong Linggo sa ‘ASAP Natin ‘To’

Simulan ang unang Linggo ng Hunyo kasama ang mga naglalakihang bituin sa isang ultimate best of the best all-star party sa “ASAP Natin ‘To” ngayong Hunyo 6 sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Kiligin muli sa treat ng real-life sweethearts Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, at damhin din ang P-pop vibes sa pasabog na performance mula sa MNL48 at BGYO.

Maki-hataw naman sa back-to-back dance parties mula kina ASAP dance royalty Kim Chiu at Vhong Navarro; at Asia’s Pop Heartthrob Darren kasama si AC Bonifacio.

May naghihintay na special dance treat mula sa “He’s Into Her” stars Donny Pangilinan, Belle Mariano, Jeremiah Lisbo, Kaori Oinuma, Rhys Miguel, at Vivoree Esclito; pati na rin kina pure energy sayawan nina Gary Valenciano kasama ang Kapamilya heartthrobs na sina Enchong Dee, Ronnie Alonte, at Joshua Garcia.

May must-see musical collabs din mula sa inyong favorite OPM idols, tulad ng The Juans at I Belong to the Zoo kasama sina Ogie Alcasid, Erik Santos, Jed Madela, Nyoy Volante, Jason Dy, at Martin Nievera; ang unkabogable tandem nina Vice Ganda at Moira dela Torre; at ang nakabibilib na team up nina Asia’s Soul Supreme KZ at Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Aaapaw pa sa biritan ang ASAP stage sa jamming ng Aegis kasama ang new gen ASAP divas na sina Elha Nympha, Sheena Belarmino, Zephanie, at Janine Berdin; at ang kantahan ng finest female artists na sina Zsazsa Padilla, Juris, Nina, Jona, Klarisse de Guzman, KZ, at ang nag-iisang popstar royalty, Sarah Geronimo.

Huwag ding palampasin ang ultimate OPM tapatan nina Ogie Alcasid, Martin Nievera, Erik Santos, Regine Velasquez, at Gary Valenciano sa “The Greatest Showdown.”

Makisali na sa ultimate star-studded party mula sa mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bagong DepEd TV episodes, napapanood sa Channel 7 ng GMA Affordabox at GMA Now!

Maki-Pride Month kasama ang iba’t ibang movies at series sa iWantTFC