Todo papuri ang fans sa husay ng pagkaka-dub ng hit Thai series na “I Told Sunset About You” sa pinakabagong all-Pinoy streaming app, ang POPTV.
Nangyari ito matapos mismong ang Nadao Bangkok, ang Thai production group sa likod ng ITSAY, ang nagpost ng official trailer ng POPTV sa kanilang social media account.
Marami ang napahanga dahil swak na swak ang boses at maging ang pag-arte ng napiling voice actors ay bumagay sa emosyon ng lead characters na sina Teh at Oh-aew na ginampanan ng Thai actors na sina Billkin Putthipong at PP Krit.
“The voice actors suit the characters well. OMG they did such a great job!” sabi ni @8ngels.
“Ang ganda ng pagkaka-dub! Iba yung feels” sabi naman ni @squishyhaohao.
“The time OST played I became teary. The dubbing is perfect. So good. The dubbers delivered it so well,” dagdag ni @erikaxbw.
Dahil kilala ang ITSAY bilang ‘mapanakit’ na serye sa tindi ng pagdadaanang emosyon ng mga karakter at maging ng mga manonood, napa-tweet si @yos_Joooms ng “OMG! Mas nadama ko yung sakit. Pilipinong Pilipino yung sakit.”
Maging ang manunulat, spoken word artist, at kilalang BL fan na si Juan Miguel Severo ay aprubado ang dubbing na ginawa ng POPTV sa kanyang tweet.
Lubos naman ang pasasalamat ng POPTV sa pamumuno ng COO nito na si Jackeline Chua dahil nagustuhan ng fans ang kanilang handog.
“Masaya kaming lahat sa mainit na pagtanggap ng fans sa Filipino-dubbed ITSAY. Alam namin na mataas ang expectations ng fans pagdating sa dubbing kaya naman ginalingan talaga ng aming team para mas dama nila bawat linya o bawat eksena nina Teh at Oh,” sabi ni Jackeline.
“Mabusising inaral ng aming team ang requirements pagdating sa pagsalin ng script to Filipino, boses at acting ng mga karakter, at hands on kami sa pagpili ng voice actors na gaganap dahil malaki ang papel na gagampanan nila sa tagumpay ng dubbing,” dagdag niya.
“Nag-immerse din kami sa iba’t ibang fan groups ng ITSAY para maunawaan ano ang gusto ng fans.”
Pinasalamatan din ni Jackeline ang kanilang dubbing partners sa mahusay na pagkaka-dub ng kanilang mga serye.
Mapapanood ang “I Told Sunset About You” sa POPTV na may new episode tuwing Biyernes.
Para i-download ang app, hanapin lang ang POPTV PINAS sa Google Play, Huawei App Gallery, at Apple App Store. Mapapanood mo lahat ng palabas sa POPTV sa halagang P20 (2 days), P49 (10 days), at P99 (30 days). Mayroon ditong local movies (blockbusters, indie at classics) at tagalized Pinoy foreign favorites (KDramas, animes, BL series, asian movies, at marami pa).
Maaring mabili ang POPTV subscriptions at ikaltas sa iyong Smart load o di kaya via Google Pay. Maari din itong bayaran gamit ang credit/debit card o via GCash app. May mabibili ka rin nito sa Shopee, Lazada, sa lahat ng branches ng M Lhuillier at RD Pawnshops nationwide, at sa mga sari sari store sa Luzon.
Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa facebook.com/poptvph o bumisita sa official website na www.poptv.ph.