Tuluy-tuloy ang pag-aaral ng kabataan habang nananatiling ligtas sa bahay with DepEd TV, na ngayon ay opisyal nang napapanood ang new episodes sa Channel 7 ng GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital TV receivers.

Mula Lunes hanggang Sabado ng 7am to 7pm, iba’t ibang subjects ang mapapanood dito para sa mga estudyante mula Grade 1 hanggang Grade 10. Magbibigay rin ang DepEd TV ng quick tips upang maging ligtas mula sa COVID-19.
Sa ngalan ng Serbisyong Totoo, hinahatid ng GMA Network ang digital channel na ito nang libre in cooperation with the Department of Education.