in

Carla Abellana, sumabak na sa lock-in taping para sa ‘To Have And To Hold’

Sumabak na sa kaniyang unang araw ng lock-in taping si Carla Abellana para sa upcoming GMA series na ‘To Have And To Hold.’

Bibigyang-buhay ni Carla ang role ni Erica Gatchalian sa bagong series kung saan makakasama niya ang multi-talented Kapuso stars na sina Max Collins (Dominique) at Rocco Nacino (Gavin).

Sa ipinasilip na behind-the-scene photos mula sa kanilang lock-in taping ay makikita si Carla na nakabihis bilang si Erica. Maraming netizens naman ang nakapansin sa blooming at fresh na aura ng Kapuso actress.

Komento pa ng isang netizen, “Sa look and aura palang, ang layo kay Adele. Very young, flirty. Ibang role naman at maganda, inaaral niya talaga. Good job Ms. Carla.”

Ano nga kaya ang magiging papel ni Erica sa buhay nina Dominique at Gavin? Abangan ang ‘To Have And To Hold’, soon sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Alfred Vargas, espesyal ang role sa ‘Legal Wives’

JMKO inilabas ang kantang ‘Araw’