in

Alfred Vargas, espesyal ang role sa ‘Legal Wives’

Nakatakdang gampanan ng actor-politician na si Alfred Vargas ang isang espesyal na role sa upcoming cultural drama series ng GMA Network na ‘Legal Wives.’

Gaganap si Alfred bilang si Naseer Macadato, ang kapatid ni Ismael na bibigyang-buhay naman ni Kapuso Drama King Dennis Trillo. Si Naseer din ang unang asawa ni Amirah (Alice Dixson) na siya ring asawa ni Ismael.

Ang Legal Wives ay tungkol sa isang lalaking Mranaw na si Ismael na may tatlong magkakaibang babae na pakakasalan para sa iba’t ibang dahilan. Bukod kay Alice, kasama rin sina Andrea Torres at Bianca Umali sa tatlong asawa ni Dennis sa serye.

Samantala, kapansin-pansin naman ang magandang bonding ng cast mula sa mga litrato na ipinasilip ni Alfred sa kanilang lock-in taping. Makikitang kasama niya sina Dennis, Al Tantay, Bernard Palanca, pati si Shayne Sava na gaganap bilang anak niyang si Jamilah.

“Macadato Family,” ani Alfred sa caption ng kaniyang Instagram post.

Kasama rin ni Alfred sina Dennis, Bernard, Kiko Matos, at Kevin Santos na nagbisikleta sa resort kung saan sila kasalukuyang naka-lock-in taping noong day off nila.

Abangan ang ‘Legal Wives’, soon sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Fr. Tito Caluag, naglabas ng Prayer Guide Book na ‘Only Your Grace’

Carla Abellana, sumabak na sa lock-in taping para sa ‘To Have And To Hold’