in

Enchong Dee, nakatikim kay Eula Valdez sa ‘Huwag Kang Mangamba’

Paninira ang magiging kapalit ng kabutihan ni Father Seb (Enchong Dee) dahil siya ang susunod na biktima ng pekeng faith healer na si Deborah sa teleseryeng “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood gabi-gabi sa TV5, A2Z, at Kapamilya Channel.

Pagkatapos ang pekeng milagrong ipinalabas niya sa mga taga-Hermoso, hindi pa nakuntento si Deborah at ipinagkalat sa social media ang pekeng balita na binubulsa umano ni Father Seb ang mga donasyon para sa pagpapatayo ng simbahan sa bayan.

Ito ang ganti ni Deborah sa kampo nina Father Seb, Mira, at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz) dahil ayaw ng mga itong ibigay ang lupang kinatatayuan ng simbahan sa kanya. Ang simbahan din ang nakikita ni Deborah na pangungahing kakumpitensya ng kanyang mapanlinlang na negosyo.

Lalo pang uminit ang ulo ni Deborah dahil sa muling pagsikat nina Mira at Joy, na tinuturong may kagagawan ng himalang pagkakasalba ng buhay ni Rafa (Kyle Echarri), ang apo ng mayor ng Hermoso, sa isang aksidente.

Magtagumpay kaya si Deborah sa paninira ng reputasyon ni Father Seb? Ano pa ang gagawin niya para bumaho ang pangalan nina Mira at Joy?

Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jerry Yan, may karibal kay Shen Yue sa ‘Count Your Lucky Stars’

Bulakenyong Beatboxer, kauna-unahang ‘Versus’ Grand Champion sa ‘It’s Showtime’