in

David Licauco at EA Guzman, sasalang sa hot seat sa ‘The Boobay and Tekla Show’

Mas paiinitin ng ‘Heartful Cafe’ hunks na sina David Licauco at EA Guzman ang weekend ng viewers dahil sila ang special guests sa ‘The Boobay and Tekla Show’ ngayong Linggo, May 30.

Game na sasagutin nina David at EA ang mga nakakaintrigang katanungan ng hosts na sina Boobay at Tekla sa segment na ‘May Pa-PressCon.’

Makikipagkulitan din ang dalawang Kapuso actors kasama ang hosts at The Mema Squad sa laro ng charades sa ‘Galaw Galaw.’ May chance rin sila na maging teammates sina Miss Manila 2020 Alexandra Abdon, Pepita Curtis, Ian Red at Skelly Clarkson.

‘Wag palagpasin ang nakakaaliw na segment na ‘Ang Harsh!’ kung saan babasahin nina Boobay, Tekla at The Mema Squad ang pinakamasakit na tweets tungkol sa kanila.

Tuloy-tuloy lang ang good vibes at tumutok na sa fresh episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mga Pilipinong naghahatid ng Liwanag at Ligaya, bibida sa ‘Feel Good Pilipinas’ Special ID ng ABS-CBN

Mga siklistang naglilingkod sa bayan, kikilalanin ni Angel Locsin sa ‘Iba Yan’