in

LOOK: Ken Chan, may pasilip sa magiging karakter sa ‘Ang Dalawang Ikaw’

Malapit nang makilala ng Kapuso viewers ang makukulay na mga karakter sa upcoming GMA Afternoon Prime series na ‘Ang Dalawang Ikaw.’

Mas naging kaabang-abang ang serye dahil sa ipinost ng lead actor na si Ken Chan na larawan sa kanyang Facebook page bilang ang kaniyang karakter na si Tyler, ang alter ego ni Nelson. Ito ang dalawang personalidad na gagampanan ng Kapuso actor sa serye dahil sa sakit na dissociative identity disorder.

Lalong na-excite at na-curious ang fans kung paano ang magiging atake at pagganap ni Ken sa mga karakter na ito.

Samantala, nagsimula noong Lunes (Mayo 24) ang huling cycle ng lock-in taping ng cast sa Bataan. Makakatambal ni Ken sa programa ang ka-loveteam na si Rita Daniela.

Abangan ang ‘Ang Dalawang Ikaw’ sa GMA Afternoon Prime, soon!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Edu Manzano, gustong magpakalat ng Good Vibes

‘Game of the Gens,’ may umaatikabong dance showdown ngayong Linggo!