in

‘Game of the Gens,’ may umaatikabong dance showdown ngayong Linggo!

Abangan ngayong Linggo (May 30) ang tapatan ng mga idol sa sayawan at ang kanilang talented kids sa comedy game show ng GTV na ‘Game of the Gens.’

Magbabaga ang dance floor ngayong Sunday night dahil magpapakitang-gilas hindi lang sa sayawan kundi pati na rin sa pagsagot ng trivias ang magagaling na dancers na sina SexBomb Girls member Izzy Trazona at Daddy Jim Salas.

Hindi rin magpapahuli ang kanilang mga anak na sina Andrei Trazona at Paul Salas. Makasabay kaya ang hosts na sina Sef Cadayona at Ruru Madrid sa tapatan na ito ng guests?

Tumutok na ngayong Linggo sa Game of the Gens, 8:30 pm, pagkatapos ng I Juander sa GTV. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

LOOK: Ken Chan, may pasilip sa magiging karakter sa ‘Ang Dalawang Ikaw’

Libreng kilig sa 12 Star Cinema movies sa YouTube Super Stream