in

Edu Manzano, gustong magpakalat ng Good Vibes

Tuloy-tuloy ang pagpapakalat ng saya kasama si Edu Manzano sa “Share the Good Vibes Viewer Promo” kung saan pwedeng mapanood sa Metro Channel show na “Good Vibes with Edu” ang mga pinakanakakatuwang video ng mga sasali.

Mapa-nakakatawang joke o nakakaaliw na video, may pagkakataong ma-feature sa mga future episode ng “Good Vibes with Edu” na siguradong magdadala ng good vibes sa mga manonood.

Bida sa half-hour talk show na “Good Vibes with Edu” ang kulitan at masayang kumustahan ng host na si Edu kasama ang mga guest niya na nakakausap niya virtually.

Para makasali sa promo, siguraduhing naka-landscape ang iyong entry, may magandang video at audio quality, at hindi lalagpas sa 1 minuto. Pumunta sa http://bit.ly/GVES2Promo, i-click ang ‘Join Now,’ sagutan ang participant info sheet, at i-upload ang iyong video.

Pwedeng mag-submit ng entry hanggang 11:59PM ng June 20 (Linggo). Huhusgahan ang mga nag-qualify na entries base sa sense of sense of humor (50%), originality (25%), at audio and video quality (25%), kung saan ang makakapasok sa top 10 ay mapapanood sa “Good Vibes with Edu.”

Sali na sa #ShareTheGoodVibesPromo ng Metro Channel at abangan ang bagong season ng “Good Vibes with Edu”! Para sa buong mechanics, bisitahin ang http://bit.ly/GVES2Promo o ang social media accounts ng Metro Channel. Mapapanood ang Metro Channel sa SKYcable channel 52 (SD) at channel 174 (HD), Cignal channel 69, at GSAT channel 70.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Centerstage,’ engrande ang grand finals ngayong Linggo!

LOOK: Ken Chan, may pasilip sa magiging karakter sa ‘Ang Dalawang Ikaw’