in

Ayra Mariano, miss na ang tawanan sa set ng ‘Heartful Cafe’

Kilala bilang ang nakakaaliw na si Mars sa GMA primetime series na ‘Heartful Cafe’ ang Kapuso actress na si Ayra Mariano. Sa nagdaang episode kagabi, napanood kung paano siya nasaktan at nagpaubaya para sa bida at kaibigang si Heart na ginagampanan naman ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose.

Kuwento ni Ayra, hindi lang daw on-screen ang naging closeness ng cast sa nasabing serye kundi pati na rin sa totoong buhay.

Nang tanungin siya kung ano ang pinaka-nami-miss niya sa set ng ‘Heartful Cafe,’ sinariwa ni Ayra ang kanilang masasayang memories sa lock-in taping, “Ang nami-miss ko ‘yung company nila, kasi siyempre araw-araw magkakasama kami doon for two weeks. Nami-miss ko sila mismo, everyone sa Heartful Cafe, hindi lang ‘yung mga artists pati ‘yung production team, ‘yung bond talaga na nabuo. Kwentuhan, ‘yung mga tawanan na talagang masasabi ko na hindi kami nagtrabaho lang, ‘yung work namin doon, fun siya, ‘pag magkakasama kami, masaya lang talaga, sana nakita rin ‘yun ng viewers namin.”

Patuloy na napapanood ang ‘Heartful Cafe’ gabi-gabi pagkatapos ng First Yaya, 8:50 PM sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘R.Y.F’ single ni Catriona Gray, malalim ang mensahe

Jake Zyrus relate sa bagong kanta, mental health gustong ayusin