in

‘Voltes V: Legacy’ team, sasabak na sa lock-in taping

Puspusan na ang paghahanda ng bumubuo ng highly-anticipated live-action TV series ng Kapuso Network na ‘Voltes V: Legacy’ para sa first leg ng kanilang lock-in taping.

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Direk Mark Reyes na nakapag-check in na sa hotel ang ilang cast members ng series nitong Biyernes (May 21) upang sumailalim sa quarantine bago opisyal na simulan ang kanilang taping.

Kasama sa post ang kakalaban sa team Voltes V na Boazanian gang na kinabibilangan nina Prince Zardos (Martin del Rosario), Zuhl (Epy Quizon), at Draco (Carlo Gonzalez), kasama rin ang Executive Producer ng series na si Darling Torres.

Ani Direk Mark, “We start our hotel quarantine today. In a few days, we’ll finally start production on Voltes V: Legacy! #newnormal #safetyprotocols #letsvtogether #theboazaniansarecoming.”

Iikot ang kuwento ng Voltes V: Legacy sa tatlong magkakapatid na sina Steve (Miguel Tanfelix), Big Bert (Matt Lozano), at Little Jon Armstrong (Raphael Landicho) kasama ang kanilang mga kaibigan na sina Jamie Robinson (Ysabel Ortega) at Mark Gordon (Radson Flores) na may misyong labanan ang humanoid aliens na Boazanians na planong sakupin ang mundo.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Carla Abellana, nakalinya na ang new project sa GMA Network

Kanta nina Kyle Echarri, Sab, Arvey, at Angela Ken, maririnig sa ‘Click, Like, Share’