in

Upcoming weekend show na FLEX, inaabangan na!

Inilabas nitong Sabado (May 22) ang panibagong teaser ng upcoming weekend comedy-gag-variety show na ‘FLEX’ na malapit nang mapanood sa GTV.

Tampok sa teaser ang Kapuso teen stars na magsisilbing ‘FLEX Leaders’ o hosts ng show na sina Mavy Legaspi, Lexi Gonzales, Joaquin Domagoso, at Althea Ablan.

Bawat linggo ay may makakasama silang walong Gen Z artists na sasabak sa musical performances, gags, sketches, at talent competitions.

Samantala, ngayong Lunes (May 24) na rin ang opisyal na pagbubukas ng online registration para sa mga gustong sumali sa official fan base ng FLEX na kung tawagin ay Flex Squad o ‘Flexers.’

Sa naturang exclusive group ay maaaring mapanood ng fans ang exclusive videos ng kanilang favorite Gen Z celebrities at mag-participate sa ilan pang paandar ng show. Bisitahin lang ang official Facebook page ng FLEX para sa mga karagdang detalye.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

John Vic De Guzman, pamilya ang turing sa ‘Owe My Love’ cast

Geneva Cruz, pinakyaw ang boto sa Week 12 ng ‘Your Face Sounds Familiar Season 3’