in

John Vic De Guzman, pamilya ang turing sa ‘Owe My Love’ cast

Marami na raw ang nagbago sa buhay ng Kapuso actor at athlete na si John Vic De Guzman mula nang maging ganap na GMA Artist Center talent siya last year. Isa sa mga pinaka pinagpapasalamat niya ang pagiging parte ng primetime series na ‘Owe My Love.’

Sa interview niya sa GMANetwork.com kahapon, isinalarawan niya ang kanyang Kapuso journey, “Sobrang overwhelming na happiness na naging part ako ng Kapuso, dahil nakilala ko ‘yung mga taong nagsilbing family ko ngayong pandemic. Kahit malayo ako sa pamilya ko ay nagkaroon ako ng chance na matuto sa kanila at the same time, ma-share ko ‘yung mga alam ko na makakatulong for them.”

Dagdag pa niya, may life experiences siyang natutunan sa mga co-stars niya at siguradong dadalhin daw niya ito kahit na matapos na ang kanilang show.

Patuloy na napapanood ang ‘Owe My Love’ tuwing 9:35 PM sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sanya Lopez, umabot na sa 10 milyon ang fans sa TikTok!

Upcoming weekend show na FLEX, inaabangan na!