in

DA HU!? Beki direktor naka-iskor sa 2 young actors, nag-enjoy out of town

Ano raw ba ang kwalipikasyon para mapasama ang isang baguhang artista sa isang movie? Magaling umarte? May koneksyon? O bet ng direktor? 

Kitang-kita kasi ng dalawang mata ng source na kasama ng isang beking direktor ang dalawang young actors. Kitang-kita sa mukha ng direktor na super happy s’ya.

Mukhang bet na bet ni direk ang 2 binata na umaastang sikat pero hindi naman sikat. Sinayawan kaya nila ang direktor? Nagpaka-macho dancer kaya sila? 

Mukhang nag-work kasi ang pagpapakita ng katawan dahil nabigyan agad ng projects ang dalawa. Ang nakakaloka, hindi naman mahusay umarte ang dalawa. Sabi nga ng source, ang hirap mahanapan ng hugot ang dalawang binata.

May bagong pelikula ang ibinigay sa dalawang aktor na ikinaloka ng source dahil akala n’ya raw e screened ang isasama sa pelikula na ‘yun. Talagang pinalusot at binitbit sila ni direk.

Huma-hanash tuloy ang aming kausap na mas maraming deserving na actors for that two roles. Swear to God hindi talaga magaling ang young actors na ito na walang ginawa kundi magpakita ng mga katawan.

Marami kayang manood ng pelikula? Tagilid kasi sa social media ang mga binata.

Laman na noon pa ng blind items ang young aktor. Marami rin kasing nayayabangan sa kanya. At mismong ang source ang nagkwento kung paano n’ya pinagtaasan ng kilay ang mga kasamahan n’ya noon sa isang grupo dahil feeling n’ya mas sikat s’ya. 

Kahit anong ginagawa n’yang pagmamalinis e hinahabol talaga s’ya ng intriga at batikos. Pero sure ang source na kung magpapakabait ang binata na ito ay mamahalin na s’ya ng tao.

Itong isa naman ay may pagkamalandi rin. Alam na alam n’ya ang galawan. At nahahawa na rin s’ya ng kayabangan ng naunang aktor. 

O anong tingin n’yo, nagalingan ba ang direktor sa performance ng dalawa? Anong klaseng performance kaya? 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘It’s Showtime,’ may back-to-back pasiklaban buong Linggo

Hannah Precillas Sessions, handog ng GMA Music sa Kapuso listeners