in

Yam Concepcion, bibigyan ng anak si JM de Guzman sa ‘Init Sa Magdamag’

Nanaig ang pagmamahal ni Rita (Yam Concepcion) kay Peterson (JM de Guzan) kaya pumayag na ito sa kahilingan ng asawa na magka-anak sa paraan ng IVF o in vitro fertilization, nitong Miyerkules (Mayo 19) sa “Init Sa Magdamag.”

Natagalan rin bago pumayag si Rita na sumailalim dito dahil sa trauma na naranasan sa pagkamatay ng anak niya kay Tupe (Gerald Anderson). Naging dahilan pa ng tila walang katapusang away nilang mag-asawa ang kanyang pagdadalawang isip.

Ngunit matapos makausap ang dalawang matalik na kaibigan, napagtanto ni Rita na mas matimbang ang kanyang pagmamahal sa asawa kaysa sa takot na mawalang muli ng anak. Ang kundisyon lang nito sa asawa ay huwag nang ipakilala sa kanya ang donor dahil gusto niyang isipin na galing pa rin kay Peterson ang bata.

Bago nangyari ito, nagkaroon ng pagkakataon na aminin ni Tupe kay Peterson ang nakaraan nila ni Rita. Laking gulat ng doktor dahil parang isinantabi lang ang kanyang pag-amin. Inakala ni Peterson na ang tinutukoy nito ay ang proyekto ng dalawa.

Matuklasan kaya ni Peterson ang kanyang pagkakamali tungkol sa pag-amin ni Tupe sa nakaraan nila ni Rita? Malaman kaya ni Rita na si Tupe pala ang gustong sperm donor ni Peterson?

Panoorin ang “Init sa Magdamag” gabi-gabi, 9:20 sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Jeepney TV at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Sa labas ng bansa, ito ay mapapanood sa The Filipino Channel. Mapapanood naman ang advance episodes nito sa iWantTFC at WeTV at iflix.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

LOOK: Cast ng ‘Las Hermanas,’ enjoy sa kanilang lock-in taping

‘It’s Showtime,’ may back-to-back pasiklaban buong Linggo