Aapaw na naman sa fresh na fresh performances ang “ASAP Natin ‘To” dahil hatid nito ang top-trending performers, song divas, at marami pang world-class artists, ngayong Linggo (Mayo 23) sa Kapamilya Channel, A2Z, and TV5.
Maki-celebrate to the max sa birthday blowout treat mula sa Asia’s Pop Heartthrob na si Darren at maki-hataw kasama ang dancefloor royalty na si Kim Chiu para sa kanyang bagong single na “Kimmi.”
Abangan ang matinding sayawan nina Vivoree Esclito at Maymay Entrata, ang “He’s Into Her” barkada nina Donny Pangilinan, Belle Mariano, Ashley del Mundo, Gello Marquez, Rhys Miguel, Jeremiah Lisbo, Joao Constancia, at Vivoree, at ang bonggang hatawan nina AC Bonifacio at trending guest na si Niana Guerrero.
Huwag palampasin ang ultimate back-to-back P-Pop concert performances mula sa Bilboard-charting P-Pop boy groups na BGYO at SB19.
Maki-chill din sa collabs nina Bamboo at Morisette, Asia’s Soul Supreme KZ at Zack Tabudlo, at kay Mr. Pure Energy Gary Valenciano kasama ang dance floor hotties na sina Joao Constancia, Jin Macapagal, at Jeremy Glinoga.
Siksik naman sa kantahan ang ASAP stage dahil sa powerful biritan ng new gen of ASAP divas na sina Elha Nympha, Sheena Belarmino, Zephanie, at Janine Berdin.
Puno naman ng inspirasyon ang kantahan ni Mr. C kasama sina Concert King Martin Nievera, Geneva Cruz, Jaya, Nina, Morisette, Erik, Jed, at vocal trio iDolls, at ang special song number ng nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.
Panoorin ang longest-running musical variety show ngayong Linggo (Mayo 23), 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.