in

Sophia Senoron, certified sports fan!

Ipinakilala na nga ang hosts ng ‘Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96’ na sina Martin Javier at Sophia Senoron.

Naikuwento ni Sophia na noong estudyante pa lang daw siya sa San Beda University ay nahilig na siya sa sports. “I graduated from San Beda University and in the first year, I was part of San Beda Red Corps, the PEP team of my school. Mahilig din ako mag-badminton and mag-tennis. Really, I’m just truly a fan of sports, mahilig ako manuod. Doon ko dinadala ang competitiveness ko na kahit hindi ako athlete, I’m very competitive in cheering for my team. Gusto ko ako ang pinakamalakas in cheering na nakikita sa big screen ng scoreboard,” pabiro niyang kuwento.

Tila destiny naman ang pagiging sports fan ni Sophia dahil ngayon nga ay co-host siya ng primer para sa upcoming NCAA Season 96.

Tutok na sa ‘Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96’ simula ngayong May 23. Mapapanood ito every Sunday at 5:05 p.m., Saturday at 4:30 p.m., and Monday to Friday at 2:45 p.m. on GTV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Tan Roncal at Eian Rances, mabubulabog dahil sa isang halik sa bagong ABS-CBN ‘Pilikula’ ‘Pa Mine, Pare’

‘Ang Padrino’ at ‘Ang Pagbabalik Ng Panday’ mapapanood sa ‘FPJ: Da King’ sa TV5