in

Ruru Madrid, guest co-host ngayong Linggo sa ‘Game of the Gens’

Makikisaya ang Kapuso actor na si Ruru Madrid bilang guest co-host ni Sef Cadayona sa all-original comedy game show na ‘Game of the Gens’ ngayong Linggo, May 23.

Matatandaan na minsan nang napanood si Ruru sa Game of the Gens bilang isa sa players dito kaya naman todo-abang na ang kaniyang fans na muling mapanood ang aktor as guest co-host naman ngayong Linggo.

Biro pa ng isang netizen, “Thank you Game of the Gens for having Ruru Madrid as guest co-host. Sana mag-Sunday na para mapanood na ‘to.”

“Can’t wait to watch it on Sunday. Another entertaining show with our very own idol Ruru Madrid. See you all guys!” komento naman ng isang fan.

Abangan ang tambalan nina Ruru at Sef as hosts sa paboritong Sunday night comedy game show na Game of the Gens, ngayong Linggo, 8:30PM, sa GTV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Ang Padrino’ at ‘Ang Pagbabalik Ng Panday’ mapapanood sa ‘FPJ: Da King’ sa TV5

Pinakamaiinit na showbiz balita, hatid ng ‘Anything K,’ ‘Anong Meron, Chikkaness?,’ at ‘Showbiz Café’ sa FYE Channel