in

Liezel Lopez, second family ang turing sa cast ng ‘Babawiin Ko Ang Lahat’

Ngayong Biyernes (May 21) na nakatakdang magtapos ang high-rating GMA Afternoon Prime drama series na ‘Babawiin Ko Ang Lahat’ kung saan tampok ang Kapuso actress na si Liezel Lopez. 

Kuwento ni Liezel, na gumaganap bilang evil half-sister ni Pauline Mendoza, marami raw siyang babaunin na masasayang alaala at magagandang aral mula sa serye. 

Tinuturing na rin daw niyang second family ang buong cast ng show, “Gift sa akin ng Babawiin Ko Ang Lahat, ‘yung naging second family ko ‘yung co-actors ko. That’s the best gift na binigay niya sa amin and also ‘yung experience ng first lock-in taping namin, ‘yung memories. ‘Yung magaganda at masasayang memories.” 

“And ayun, yung friendship na nabuo sa aming lahat, that’s the greatest gift for me,” dagdag pa ng Kapuso actress. 

Sundan ang mga kapana-panabik na eksena sa finale week ng Babawiin Ko Ang Lahat, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA Afternoon Prime.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN Entertainment shows, patok gabi-gabi sa TV5

Klarisse de Guzman, nagpaka-Aretha sa ika-apat na panalo sa ‘Your Face Sounds Familiar Season 3’