in

GMA Network, mamamahagi ng milyon-milyon sa ‘Kapuso Bigay Premyo Panalo’

Sa pinakabagong promo na “Kapuso Bigay Premyo Panalo,” maraming papremyo ang hatid ng GMA Network sa mahigit 1,600 winners ng daily at weekly prizes nationwide!

Linggu-linggo ay may mananalo ng Cash Packages tulad ng Eskuwela Electronics Cash, Hanep-Buhay Start-up Cash, at Bangon-Kabuhayan Cash na nagkakahalaga ng hanggang Php100,000! Bukod pa rito, ang lahat ng participants na may isasamang sari-sari store partner sa kanilang entries ay maaaring manalo ng karagdagang premyo, pati na rin ang kanilang sari-sari store partner!

Lahat ng non-winning entries sa weekly draws ay qualified sa Grand Raffle Draw kung saan naghihintay ang bonggang prize na brand-new house and lot para sa mabubunot na Grand Winner, habang ang kaniyang sari-sari store partner ay mananalo Php20,000 Paninda Cash Package!

Para sa karagdagang detalye kung paano sumali, pumunta lang sa official website na www.gmanetwork.com/GMAPromos o sa Facebook page na www.facebook.com/GMAPromos. Per DOH-FDA-CFRR Permit no. 0620 Series of 2021.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jason Dy, may kantang pang-monthsary ng mga magkarelasyon

Kim Chiu, ‘Life of the Party’ sa ‘Kimmi’ music video