in

David Licauco at Thea Tolentino, tampok ngayong Linggo sa ‘Dear Uge Presents’

Sasabak sa isang ‘takong race’ sina David Licauco at Thea Tolentino para sa pangarap at pag-ibig sa ‘Dear Uge Presents’ ngayong Linggo, May 23.

Gagawin ni Loida (Thea) ang lahat ng kanyang makakaya para maisalba ang shoe factory na ipinamana sa kanya ng kanyang ama. Dahil dito, makikilala niya ang negosyanteng si Andrew (David) at magkakaroon sila ng deal, kabilang na ang isang takong race.

Sa paglaban ni Loida para sa kanyang dream business, tila magwawagi rin siya sa puso ni Andrew. Kaya ba nilang paghaluin ang pag-ibig at negosyo?

Abangan ‘yan sa ‘Dear Uge Presents: Isang Takong, Isang Sagot’ ngayong Linggo, 3:35pm, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Klarisse de Guzman, nagpaka-Aretha sa ika-apat na panalo sa ‘Your Face Sounds Familiar Season 3’

Jason Dy, may kantang pang-monthsary ng mga magkarelasyon