in

Barbie Forteza at Jak Roberto, mapapanood sa ‘Heartful Cafe’

Dagdag excitement at kilig ang special participation ng real-life Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto sa GMA primetime series na ‘Heartful Cafe.’

Inaabangan na ng viewers kung ano nga ba ang magiging papel nila sa buhay nina Heart (Julie Anne San Jose) at Ace (David Licauco).

Komento pa ng isang netizen, “Ang saya siguro if si Jak and Barbie ‘yung magkatuluyan sa Heartful Cafe.”

Tumutok lang sa nakakakilig na kwento ng ‘Heartful Cafe,’ weeknights, pagkatapos ng First Yaya sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Feel Good Pilipinas’ dance video nina KZ Tandingan at BGYO, naghatid ng good vibes

Enzo Pineda at Paulo Angeles, bagong tutugis kay Coco Martin sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’