in

‘Innamorata,’ muling mapapanood sa GMA Afternoon Prime

Simula Lunes (May 24), balikan ang kuwentong nagturo na hindi hadlang ang anyo sa tunay na pag-ibig sa pagbabalik ng drama romance fantasy series na ‘Innamorata’ sa GMA Afternoon Prime. 

Tampok sa serye si Kapuso actress Max Collins bilang Esperanza, isang dalagang pinagkaitan ng pagmamahal at kabutihan dahil sa kanyang sakit sa balat. Kahit na tampulan ng tukso, nananatiling positibo sa buhay si Esperanza. 

Mahuhulog ang loob ng dalaga sa katrabahong si Edwin (Luis Alandy), ang bulag na anak ng may-ari ng factory kung saan siya namamasukan. Nang malaman ito ng tatay ni Edwin ay palalayuin niya si Esperanza at palalayasin din siya ng kaniyang adoptive mother sa kanilang tahanan. 

Mapapadpad ang dalaga sa isang mansyon na pagmamay-ari ng isang misteryosong lalaki na may kapareho niyang sakit sa balat. Isang gabi ay mapapanaginipan ni Esperanza si Alejandra (Gwen Zamora), isang magandang babae na ituturo sa kanyang hanapin ang mahiwagang kwintas na magbabago ng kanyang anyo. 

Tampok din sa serye sina Dion Ignacio, Jackie Rice, Pinky Amador, Michael de Mesa, at Rita Avila. Tutukan ang rerun ng ‘Innamorata’ simula Lunes (May 24), 3:25pm, sa GMA-7. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pia Wurtzbach, Catriona Gray, at Kapamilya stars, ibinuhos ang pagmamahal kay Rabiya Mateo

‘Feel Good Pilipinas’ dance video nina KZ Tandingan at BGYO, naghatid ng good vibes