Itinuturing na ‘best gift’ ni Kapuso actress Pauline Mendoza ang mga aral at payo na natanggap niya mula sa co-actors niya sa pinagbibidahang GMA Afternoon Prime series na ‘Babawiin Ko Ang Lahat.’
Pagkukuwento ni Pauline, marami raw siyang natutunan mula sa kaniyang beteranong co-stars na sina Carmina Villarroel, John Estrada, Tanya Garcia-Lapid, at Gio Alvarez.
Aniya, “Marami akong natutunan from all of them talaga na, “Magpakatatag ka; marami ka mapagdadaanan – good or bad man ‘yan; kailangan mo mag-focus na lang kung ano talaga ‘yung goal mo dito sa industry na ‘to.’”
Lubos na tumatak din daw kay Pauline ang payo sa kanya ni John, na gumanap bilang ama niyang si Victor niya sa Babawiin Ko Ang Lahat. “Sabi nga sa akin ni Sir. John, kung ano man ‘yung pagdadaanan mo pa dito, kasi sabi niya, ‘Marami ka pang pagdadaanan. Six years is just six years, konti pa lang yan’.”
Dagdag pa niya, “Kaya sabi niya, ‘You need to be brave, you need to be strong as an actress, kailangan talaga ilabas mo ‘yung passion mo, mahalin mo ‘yung trabaho mo.”
‘Wag nang magpahuli sa mga kapana-panabik na eksena sa nalalapit na pagtatapos ng Babawiin Ko Ang Lahat, 3:25pm, sa GMA-7.