in

RitKen, kapana-panabik ang intimate scenes sa ‘Ang Dalawang Ikaw’

Mas mature at pinatindi na roles ang haharapin ng patok na Kapuso loveteam na sina Ken Chan at Rita Daniela sa upcoming GMA Afternoon Prime series na ‘Ang Dalawang Ikaw.’

Gaganap sila bilang mag-asawa sa serye. Kuwento ni Ken sa interview ng 24 Oras, “Merong mga pagkakataon na kami ni Rita na sinasabi namin, “O, ganito ‘yung gagawin, iaakyat mo ‘yung legs mo dito.’ Tapos sasabihin ni Rita, ‘ilalagay ko ‘yung kamay ko sa batok mo.’ Bubuhatin ko siya, ihahagis ko siya. Sobrang nakakatuwa lang. Very mature ang role namin dito and kailangan talaga namin ipakita sa mga eksena namin ‘yung buhay mag-asawa.”

Bukod sa mga problema na haharapin ng kanilang relasyon sa kuwento, matatalakay din sa serye ang ilang mental health issues na tiyak na pupukaw sa interes ng Kapuso viewers.

Tutukan ang pagbabalik ng RitKen sa TV sa ‘Ang Dalawang Ikaw’ na malapit nang mapanood sa GMA-7!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Darryl Yap ay ipapakilala ulit tayo sa isang bagong mundo sa isang bagong pelikula, ‘Ang Babaeng Walang Pakiramdam’

‘Almost Paradise’ ng ABS-CBN at Electric Entertainment, maipagmamalaki ng mga Pilipino