Saktan mo ako, please!
Minsan sa buhay natin, hiniling natin na ‘wag makaramdam ng sakit, pisikal man o emosyonal. Pero paano kung pinanganak kang hindi nakakaramdam ng sakit? Ang “Jowable”, “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” at “Tililing Director na si Darryl Yap ay ipapakilala ulit tayo sa isang bagong mundo sa isang bagong pelikula, ANG BABAENG WALANG PAKIRAMDAM, starring ang multi-talented actress, singer at host na si Kim Molina at komedyanteng si Jerald Napoles.
Ang pelikulang ito ay tungkol kay Tasha (Kim Molina), isang babaeng may kakaibang sakit na Congenital Insensitivity to Pain. Dahil dito, hindi siya nakakaramdam ng kahit anong sakit — maging pisikal o emosyonal na sakit. At dahil din sa kanyang kakaibang kondisyon, hindi rin alam ni Tasha kung paano ang umibig. Hanggang sa makilala niya si Ngongo (Jerald Napoles), isang lalakeng may cleft palate. Si Ngongo ang magiging daan para makaramdam si Tasha, lalo na ang saya at sakit ng pag-ibig. At magkasama sila sa isang adventure na hindi nila makakalimutan.
Gaya ng kanyang huling pelikula na “Tililing” na naging kontrobersyal dahil sa tema nito ng pagka-baliw, hindi takot si Darryl Yap na talakayin ang mga paksang hindi madaling pag-usapan o mga paksang hindi masyadong alam ng madaming tao. Ang Congenital Insensitivity to Pain ay isang pambihirang kondisyon na hindi gaanong kilala dito sa Pilipinas. Sa ANG BABAENG WALANG PAKIRAMDAM, matututunan ng tao ang tungkol sa kakaibang sakit na ito, at kung pano nito naaapektuhan ang buhay ng isang tao na may ganitong karamdaman.
Ang pelikulang ito ay unang on-screen pairing ng real-life couple na si Kim Molina at Jerald Napoles. Alam ng kanilang mga fans kung gaano sila ka-sweet at nakakatawa sa kanilang mga vlogs. Kaya naman kakaiba at nakakapanibago na makita silang mag-pares sa isang pelikula. Samantala, ito naman ang pangalawang pelikula ni Direk Darryl Yap at Kim Molina, na unang nagkatrabaho sa “Jowable”, na naging blockbuster hit noong 2019.
Panoorin ang panibagong hit movie ni Direk Darryl Yap, ANG BABAENG WALANG PAKIRAMDAM sa June 11, sa worldwide premiere nito sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, SKY PPV, Cignal PPV sa halagang P250, at sa Vivamax.
Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net para mapanood ang ANG BABAENG WALANG PAKIRAMDAM. Maari ring i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store o bumili ng Vivamax vouchers sa Shopee at Lazada. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan. VIVAMAX ATIN ‘TO!