in

Tekla, bibigyang-buhay ang kwento ni ‘Tubig Queen’ sa #MPK

Ngayong Sabado (May 15), tunghayan ang nakakaantig na kwento ng pakikipagsapalaran ni Dodoy, ang “Tubig Queen” ng Cebu City, na gagampanan ni Kapuso comedian Romeo “Tekla” Librada sa Magpakailanman.

Mulat man sa kahirapan, likas na masiyahin at puno ng pag-asa si Dodoy na kilala hindi lang sa buong lungsod kundi pati na rin sa social media bilang ang nag-iisang “Tubig Queen” ng Cebu.

Nais makapagtapos ni Dodoy kaya’t masigasig siyang tumulong sa ina at ama sa paglalako ng tubig kahit sa murang edad. Dumanas siya ng pangungutya sa mga kamag-aral pero hindi siya nahiya dahil alam niyang walang makakatulong sa kanya kung hindi ang sarili.

Hindi naglaon ay sumikat si Dodoy sa mga parokyano dahil hinahaluan niya ng mga gimik katulad ng pagsusuot ng makukulay na costume ang kaniyang pagtitinda.

Dahil sa kaniyang pagsusumikap, nakapagtapos si Dodoy sa kolehiyo at pinarangalan din siya bilang isa sa mga outstanding youth ng kanilang lungsod.

Kilalanin ang kwento ng isang batang hindi itinuring na hadlang ang kahirapan para makamit ang kanyang pangarap sa episode na pinamagatang “Reyna ng Tubig: The Jay Kummer “Dodoy” Teberio Story”, ngayong Sabado, 8pm, sa Magpakailanman.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Fil-Am singer na si Cheesa may matinding hugot at birit sa ‘Bakit Pa’ music video

Concerts nina Martin Nievera, Lani Misalucha, Darren Espanto, at Jayda Avanzado, ipalalabas sa iWantTFC