Isang kwento ng pagmamahalang nabuo sa lockdown ang matutunghayan ngayong Sabado (Mayo 8) sa “MMK” tampok ang bagong Kapamilya star na si Janine Gutierrez at “Init Sa Magdamag” lead star JM de Guzman.
Sa kanyang unang sabak sa longest running drama anthology, gaganap si Janine bilang si Jex na isang chef sa isang airline catering services company na may crush sa kapwa niyang chef na si Zaldy (JM).
Kahit ilang beses niyayaya ni Jex si Zaldy na lumabas, palagi siya nitong nirereject. Kalaunan, pinili na lang ni Jex na umalis sa nasabing kompanya para makahanap ng mas magandang oportunidad.
Ngunit makalipas ang ilang taon, nahanap muli nila ang isa’t isa dahil sa social media at natuloy na rin ang kanilang pagda-date.
Nagsisimula pa lang ang pandemya nang ituloy ng dalawa ang pagpunta sa Baguio. Ngunit hindi na sila makakaalis dito dahil biglang idedeklara ang lockdown sa Luzon.
Paano nabuo ang pagmamahalan ng dalawa? Ano ang mga hamon na kanilang hinarap nang mapilitang magsama sa gitna ng lockdown?
Panoorin ang “MMK” sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o visitwww.abs-cbn.com/newsroom.