Nagbabalik ang “G Diaries,” ang multi-awarded advocacy show ng ABS-CBN Foundation para sa ika-8 nitong season, “Change the World Together.” Ang mga bagong episodes ay mapapanood simula Mayo 16 (Linggo), 9:10 am sa Kapamilya Channel.
Ang mga kwento ng pag-asa at pagbabago ng mga tao at pamayanan sa buong Pilipinas ay ihahatid sa atin nina Ernie at Michelle Lopez.
Mula nang ito ay unang emere noong Disyember 8, 2017, ang “G Diaries” ay nakapaghatid na ng higit 100 advocacy-related episodes, na tumatalakay sa sustainable ecotourism, community development at pangangalaga sa kalikasan mula sa Tublay, Benguet sa norte, hanggang sa Bongao, Tawi-Tawi sa Mindanao.
Na-produce ng Dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez ang “G Diaries” bilang kanyang pamamaraan na pagsama-samahin ang sektor ng pamahalaan at kalakal, mga NGOs, mga eksperto, ang kabataan at iba’t ibang sektor ng lipunan sa adbokasiya ng pag-unlad ng buhay ng mga Pilipino.
Ang nakababatang kapatid ni Gina na si Ernie ang pumalit sa pagho-host simula Agosto 2019, nang pumanaw si Gina.
Kahit hindi na-renew ang franchise ng ABS-CBN, at naging hamon ang COVID-19 pandemic at quarantine lockdowns, nagpatuloy ang pag-ere ng G Diaries sa mga digital platforms ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation.
Sa kasagsagan ng lockdown, si Michelle Lopez (na Michelle Arville pa), at ang anak ni Ernie na si Nathan, ay tumulong sa pag-shoot ng mga episodes ng “G Diaries” mula sa kanilang tahanan bilang mga camera operators.
Ngayong sila’y bagong kasal, nai-share ni Ernie na gusto nilang mag-asawa na gamitin ang kanilang pagsasama bilang blessing sa lahat. Natutuwa rin daw siya na magkasama nilang magagawa ito, sa pamamagitan ng “G Diaries.”
Tulad ng nasimulan ng “G Diaries,” ang pinakabagong season ay magpapalabas ng mga makabuluhang kwento na may kinalaman sa kalikasan, mga karapatang pambata, children’s development, arts and culture, pagtulong sa kapwa, kalusugan, kabuhayan at edukasyon, sa pakikipagtulungan ng Lopez Group of Companies, kasama ang suporta ng Energy Development Corporation.
Panoorin ang “G Diaries” sa Kapamilya Channel, mga replay sa ANC, at Metro Channel, at sa iWantTFC, ABS-CBN Entertainment YouTube, at sa G Diaries official Facebook sa digital.