in

Glaiza De Castro, ipinasilip ang bagong café sa Baler

Maliban sa acting ay abala rin ang Nagbabagang Luha star na si Glaiza de Castro sa nalalapit na pagbubukas ng kaniyang cafe sa Baler. 

Sa isang Instagram post ay ibinida ni Glaiza ang kaniyang newest venture, ang Cafe Galura.   

Aniya, “Been working on this project since the start of the year with faith that one day, we will be able to welcome you all here. We’re slowly trying to complete everything for now and have been fitting out the interior of our café. Any recommendations on tables and chairs are welcome!” 

Bukod sa nakakamanghang interior ng soon-to-open cafe ni Glaiza, mismong ang Irish fiance ni Glaiza na si David Rainey ang maghahanda ng coffee dahil sa kaniyang background sa coffee business. 

Samantala, abangan si Glaiza bilang Maita at ang mga matitinding eksena niya kasama si Cielo na gagampanan ni Claire Castro sa upcoming Afternoon Prime series ng GMA Network na Nagbabagang Luha. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Halikan nina Jerry Yan at Shen Yue sa ‘Count Your Lucky Stars,’ kinagiliwan ng netizens

Jodi Sta. Maria, gaganap na Pinay ‘Doctor Foster’ sa ‘The Broken Marriage Vow’ ng ABS-CBN