in

Chef Gene Gonzalez, may hatid na pampagana sa FYE Channel

Dadalhin ng respetadong chef at entrepreneur na si Gene Gonzalez ang kaalaman niya sa pagluluto sa bagong kumu show na “Feel at Home with Chef Gene” na mapapanood na simula May 7 (Biyernes) sa FYE Channel.

Ayon sa founder ng Center for Asian Culinary Studies at isa sa mga tanyag na restaurant sa Maynila na Café Ysabel, masasagot sa palabas ang mga simpleng tanong ng mga natatakot matawag na ignorante sa pagluluto.

Ituturo rin ni Chef Gene kung paano mas mapapahusay at masusulit ang mga gamit at rekadong nasa bahay na siguradong makakatulong sa pagluluto ng mga manonood.

Siguradong patok sa mga coffee lovers ang unang dalawang episodes ng “Feel at Home with Chef Gene” dahil ituturo niya kung paano mag-brew ng kape para mas mapasigla ang pananatili natin sa bahay.

Tatalakayin din sa mga susunod pang episode kung bakit nga ba tingin ng iba ay ‘jologs’ ang sweet wine, pati na ang iba pang cooking tips.

Dapat ding abangan ng Kumunizens ang mga papremyong ipapamigay ni Chef Gene bawat linggo gaya ng kape, Moka Pot, at iba pang Kitchen Pro items.

Para naman sa gustong lumevel-up sa pagluluto at naghahanap ng masayang guide, mabibili pa rin online ang libro ni Chef Gene na “The Kitchen Scoundrel: The Adventures and Misadventures of a Chef.”

Tampok sa libro mula ABS-CBN Books ang walang filter na pagkukwento ng buhay sa pagluluto gamit ang mga nakakatawa at iba pang karanasan. Bawat essay ay may kalakip ding recipe na may kaugnayan sa topic na tinatalakay.

Palawakin ang kaalaman sa pagluluto at tumutok na sa “Feel at Home with Chef Gene” sa May 7 (Biyernes), 9PM sa FYE Channel (@fyechannel) sa kumu, at um-order na ng kopya ng “The Kitchen Scoundrel: The Adventures and Misadventures of a Chef” online sa Lazada at Shopee, habang mabibili rin ang e-book version nito sa Amazon.

Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter at Instagram (@abscbnpr) o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Marco,’ ‘Masha and the Bear,’ at ‘PJ Masks,’ magpapasaya sa mga bata sa A2Z

Mga Kwentong Nanay, bibida sa Cinema One