in

Adaptation ng ‘Tayong Dalawa’ most-watched show sa Malaysian channel

Tinutukan ng mga manonood sa Malaysia ang “Angkara Cinta,” ang adaptation ng ABS-CBN drama na “Tayong Dalawa” kung kaya ito ang naging most-watched show Astro Prima Channel noong 2020.

Umere ang serye mula Noyembre 2, 2020 hanggang Abril 9, 2021 sa Astro Prima HD at Astro Prima channel araw-araw at napanood rin ito sa Astro Go app.

“Angkara Cinta’s successful run in Malaysia affirms ABS-CBN’s expertise in creating stories that have universal appeal and inspires us to continue on our path to becoming a bigger content provider in the global market. We are grateful for the overwhelming response from our Malaysian audiences,” sabi ni ABS-CBN head of Program Acquisitions and International Sales and Distribution Macie Imperial.

Ayon naman sa to Astro Prima channel manager na si Norzeha Mohd Salleh, 70 episodes lamang ang inihanda nila pero minabuti nilang dagdagan nila ng 45 pang episodes matapos makakuha ng positibong feedback mula sa mga manonood.

“We are very happy and honored with the warm response that the drama ‘Angkara Cinta’ received. It garnered the highest number of views on Astro Prima throughout 2020. So as a token of appreciation, we gave our viewers 45 additional episodes,” sinabi ni Salleh.

Higit naman sa 8 million views ang nalikom ng promotional video nito matapos ipromote ang hashtag #AngkaraCinta.

Noong 2020, mas pinalawak pa ng ABS-CBN ang paghahatid ng mga palabas sa Africa, Latin America, at Asya. Nakabenta ito ng 16 titles, kasama na ang “Tayong Dalawa,” “Ang Probinsiyano,” “Kadenang Ginto,” “Dahil May Isang Ikaw,” The General’s Daughter,” at marami pa.

Kilala ang ABS-CBN sa mga nakapupukaw na mga kwento na mapapanood sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng ABS-CBN International Distribution, na kinikilala bilang isang dekalidad foreign content provider.

Mapapanood ang ABS-CBN shows sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, at Jeepney TV sa buogn Pilipinas at sa Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook pages ng ABS-CBN Entertainment. Nasa iWantTFC and TFC naman ang mga programa at pelikula nito, habang ang ilan dito ay nasa WeTV iFlix.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Online auditions para sa ‘The Clash Season 4,’ nagsimula na!

‘Marco,’ ‘Masha and the Bear,’ at ‘PJ Masks,’ magpapasaya sa mga bata sa A2Z