in

Pauline Mendoza, may patikim sa mas matitinding eksena sa ‘Babawiin Ko Ang Lahat’

Hindi dapat palampasin ang mga kaabang-abang at mas intense na kaganapan sa GMA Afternoon Prime series na ‘Babawiin Ko Ang Lahat.’ 

Sa recent episode ay natuklasan na ni Victor (John Estrada) na planado ang pag-kidnap kina Iris (Pauline Mendoza) at Trina (Liezel Lopez) kaya ganoon na lang ang tindi ng galit nito kay Dulce (Carmina Villarroel) na kasabwat sa planong ito.

Mas titindi pa ang mga eksena dahil sinadya ni Dulce na maaksidente si Victor na naging dahilan ng pagka-comatose nito.

Kuwento ni Pauline ay simula pa lang ito ng mas exciting na banggaan ni Iris kontra sa tandem ng mag-inang Dulce at Trina. “Doon na mag-i-start ‘yung labanan ng characters nina Iris, Trina, at Dulce. Doon na talaga iikot ‘yung istorya kung paano nila makukuha si Victor. I’m very excited na mapanood ng mga viewers natin yan,” ani pa ng aktres. 

Tutukan ang mga susunod na hakbang ni Iris para mabawi ang lahat nang kinuha sa kanya sa “Babawiin Ko Ang Lahat,” weekdays, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Thea Astley, may dalawang kanta sa ‘First Yaya’

Dean Devlin at Christian Kane ng Hollywood, todo puri sa mga Pinoy sa ‘Almost Paradise’