Pinusuan at talaga namang inabangan ng netizens at viewers ang pagsisimula ng pinakabagong Kapuso romantic-comedy series na Heartful Café.
Nitong Lunes (April 26) ay opisyal nang umere sa GMA Telebabad ang Heartful Cafe na pinagbibidahan nina Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose at Kapuso hunk David Licauco.
Certified trending naman agad ang show matapos na mapabilang sa Philippine Twitter trends ang official hashtag ng first episode na “#HCNowServing” at “Meet CEO Heart.”
Samantala, marami ring fans ang nagbahagi ng kanilang saloobin sa pilot episode nito, “We’re crying tears of joy! The pilot episode is so good! Congratulations to the wonderful team of Heartful Cafe!”
Kinagiliwan din ng manonood ang pagganap ni Julie Anne bilang si Heart Fulgencio, “What a wholesome start! Congratulations to Julie Anne, I feel amused at the same time amazed at her varied reactions.”
Huwag nang magpahuli sa nakakakilig na love story nina Heart at Ace (David) sa ‘Heartful Cafe’, weeknights, sa GMA-7 at GMA Heart of Asia.