in

Elijah Alejo, ipinagdiwang ang ika-10 taon sa showbiz

Emosyonal ang Kapuso teen actress na si Elijah Alejo sa kaniyang recent guesting sa online show ng Artist Center na ‘Hangout’ kung saan siya nag-celebrate ng ika-10 anibersaryo sa showbiz.

Nagsimula siya noong 2010 sa GMA fantasy series na “Kaya ng Powers” at simula noon ay naging sunud-sunod na ang kaniyang mga proyekto sa Network.

Nagpaabot din ng pagbati ang ‘Prima Donnas’ co-star at malapit na kaibigan ni Elijah na si Althea Ablan, “I’m so proud of you Eli, grabe. Ten years. Siyempre, congrats sa ‘yo. And 10 years, milestone ‘yun. Sobrang proud ako sa ‘yo dahil madami kang na-i-inspire. Continue inspiring others and best wishes para sa ‘yo. Galingan mo pa lalo.”

Taos-puso namang nagpasalamat si Elijah kay Althea at sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kaniyang talento. Kamakailan lang ay napanood si Elijah sa top-rating series na ‘I Can See You: The Lookout.’

Congratulations, Elijah!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Init Sa Magdamag,’ humakot ng 6 milyon views sa YouTube sa unang Linggo

Pagbubukas ng ‘Heartful Cafe,’ patok sa viewers!