in

Ginebra San Miguel ‘Bagong Tapang Jersey Promo,’ inilunsad

Ang mga pinagbuklod sa pagmamahal sa larong basketball ay nagsama-sama kamakailan, sa gitna ng banta ng pandemiya, upang ipamahagi, hindi lamang malasakit, kundi ang tatag ng loob upang harapin ang bukas na may bagong tapang.

Inilunsad kamakailan ng Ginebra San Miguel ang pinakabago nitong promo, kung saan, ang sino mang lalahok ay magkaka jersey at cap na, makakatulong pa sa iba. Sa “Bagong Tapang sa One Ginebra Nation Jersey and Cap Collection Promo,” maaaring makakuha ang basketball fans ng cap o jersey ng kanilang paboritong manlalaro mula Barangay Ginebra San Miguel. Bahagi ng malilikom sa promo ay mapupunta sa ilang komunidad na lubhang naapektuhan ng pandemya.

Sa virtual launch na ginanap noong ika-22 ng Abril na ipinalabas sa Ginebra San Miguel Facebook page, ipinakita ang bagong design tampok ang mga jerseys nina Scottie Thompson (6), Stanley Pringle (11), Japeth Aguilar (25), La Tenorio (5), at Mark Caguioa (47).

Para makasali sa “Bagong Tapang sa One Ginebra Nation Jersey and Cap Collection Promo” simula sa ika-1 ng Mayo, mangulekta lamang ng anim (6) na selyo o cap ng kahit na anong kombinasyon ng Ginebra San Miguel, GSM Blue, GSM Blue Flavors, Ginebra San Miguel Premium Gin at Primera Light Brandy at maaari nang makakuha ng limited edition One Ginebra Nation jersey sa halagang P100 o limited edition One Ginebra Nation cap sa halagang P150. Ang mga ito ay puwedeng ma-redeem sa inyong paboritong Puregold outlets at iba pang authorized redemption outlets nationwide.

At para masigurong orig o tunay ang mga mabibiling jersey at cap, hanapin lamang ang authentication patch na makikita sa kaliwang ibabang bahagi ng jersey o authentication sticker sa cap.

Sa naturang virtual launch, inihayag ng PBA bubble 2020 Philippine Cup champions ang kanilang pagnanais na makasamang muli ang mga die-hard Barangay Ginebra fans. “Ang Ginebra fans, ibang level talaga. May PBA man o wala, nararamdaman namin na nandyan sila at sumusuporta sa amin. Sa kanila kami humuhugot ng lakas. Sila ‘yung 6th man namin. Napag-usapan ng team na ‘yung ginagawa namin ay para sa fans at para magbigay inspirasyon lalo na sa panahon ngayon,” ani Finals MVP LA Tenorio.

Binigyang-diin naman ni Ginebra San Miguel General Manager Noli Macalalag ang kahalagahan ng pagkakaisa sa panahon ngayon kaya naman nakipagsanib-puwersa ang Ginebra San Miguel Inc. sa Gawad Kalinga upang matulungan ang mga naapektuhan ng pandemya, partikular ang mga komunidad ng magsasaka sa Sariaya, Quezon at mangingisda sa Barangay Bagumbayan, Pililla, Rizal. “Nawa’y mahikayat namin kayong mga kabarangay na isabuhay ang ‘Bagong Tapang,’ at sa pamamagitan nito ay magsilbi rin kayong inspirasyon sa kapwa,” dagdag pa ni Macalalag.

Para sa mga karagdagang detalye tungkol sa “Bagong Tapang sa One Ginebra Nation Jersey and Cap Collection Promo,” mag-log on sa www.ginebra.com.ph o sa official Facebook page ng Ginebra San Miguel www.facebook.com/barangayginebra o tumawag sa customer care hotline 8632-2564.

Ang Ginebra San Miguel ang nananatiling no. 1 gin sa buong mundo ayon sa nangungunang drinks journal na Drinks International. Ang Ginebra San Miguel ay 15-time Gold Quality Label awardee ng Monde Selection International Quality Institute.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Julie Anne San Jose, handa na bang sumabak sa mature roles?

Anthony Rosaldo at Hannah Precillas, good vibes ang hatid sa Heart of Asia summer station ID