in

Barbie Forteza, bibida sa bagong crime-thriller series na ‘I Can See You: The Lookout’

Makapigil-hiningang mga eksena ang dapat abangan sa ikatlong offering ng GMA drama series na ‘I Can See You: The Lookout’ na mapapanood simula ngayong Lunes (April 19).

Tampok sa crime-thriller episode sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, Kapuso hunk actor Paul Salas, at ang beteranong aktor na si Christopher de Leon.

Iikot ang kwento kay Emma (Barbie), isang raketera girl na mapipilitang maging lookout para sa kanyang pinsan na may planong pagnakawan ang isang bahay sa village malapit kung saan sila nakatira. Sa hindi inaasahang pangyayari, malalagay sila sa panganib nang madatnan ang wala nang buhay na kasambahay sa naturang bahay.

Hanga naman si Barbie sa kanyang karakter sa serye, “I love how strong and unapologetic Emma is. She does not bow to anyone. She will do everything for her younger sister. She lives in the reality of life and so she learned to play along and learn along the way.”

Mapapanood na ang ‘I Can See You: The Lookout’ simula sa Lunes, pagkatapos ng First Yaya sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ilang Kapuso stars, nag-share ng recipe sa ‘Good News’

Delivery service business ni Dingdong Dantes, malaking tulong sa mga nawalan ng trabaho