Malapit sa puso ni Rocco Nacino ang karakter niyang si Dr. Kenneth Paul sa Owe My Love. Sa #KPRGAsks ni Kapuso PR Girl, ibinahagi ng Kapuso actor kung paano niya nagamit dito ang kanyang nursing degree.
“I felt loved when the production was there to ask me paano ba ginagawa ito [medical routines]. It was really nice to instill information and knowledge to the cast,” sabi niya.
Si Dr. Kenneth Paul ang gwapong doctor na ka-love triangle ni Doc Migs (Benjamin Alves) kay Sensen Guipit (Lovi Poe). After ng kanyang guesting sa patok sa rom-com series ng GMA Public Affairs, malamang ay paghahandaan na ni Rocco ang next project niya na “Artikulo 247” na kabilang sa halos 100 bagong programang ni-reveal ng GMA Network kamakailan lang. Makakasama ni Rocco sa serye sina Rhian Ramos, Mark Herras, at Jackie Rice.
Pero bago ‘yan, tutukan muna ang harapan nina Rocco at Ben para sa puso ni Lovi sa Owe My Love, weeknights, 9:35 p.m., sa GMA Telebabad.