in

Paulo Avelino at Angelica Panganiban, ipaglalabang mabuo ang pamilya sa ‘Walang Hanggang Paalam’

Susuungin nina Emman (Paulo Avelino) at Celine (Angelica Panganiban) ang lahat ng balakid mabuo lang ang kanilang pamilya at makapiling muli ang anak na si Robbie sa huling linggo ng “Walang Hanggang Paalam” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Matapos ang mga hamong sumubok sa kanila, buo na ang pag-ibig at tiwala nina Emman at Celine sa isa’t isa para magkasamang hanapin si Robbie, kahit wala pa silang kasiguruhan kung buhay pa nga ito.

Parehong aksyon at drama naman ang dapat na abangan sa huling linggo ng serye sa nakatakdang paghaharap nina Emman at Leo (Tonton Gutierrez) pati nina Celine at Amelia (Cherry Pie Picache) sa kanya-kanya nilang pakikipaglaban para sa kanilang mga anak at pamilya.

Habang tuluyan nang ilalaglag ni Leo si Amelia at ibubunyag ang mga kasalanan nito, sisiguraduhin naman ni Anton (Zanjoe Marudo) na mapapakanya sa huli si Celine dala ng kahibangan.

Sa kabila naman ng lahat ng ito, magiging kakampi nina Emman at Celine si Sam (Arci Munoz) para pagbayarin ang magkapatid sa kanilang mga kasalanan.

Makasama pa kaya nina Emman at Celine ang kanilang anak? Mapanagot na kaya ng batas sina Anton at Amelia?

Panoorin ang “Against All Odds” finale ng “Walang Hanggang Paalam” ngayong linggo sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Katrina Halili at Shayne Sava, ikinuwento ang ‘di malilimutang ‘kilig’ moments

DA HU!? BL actor na puro “pabakat” sa social media gagawin ang lahat para bumongga ang career