in

Tuloy-tuloy ang best concert performances ngayong Summer sa ‘ASAP Natin ‘To’

Patuloy pa rin ang the best-of-the-best world-class Sunday party mula sa inyong inaabangang ASAP idols ngayong summer sa “ASAP Natin ‘To,” palabas ngayong Linggo (Abril 11) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

The best ang summer party kasama ang mga nagbabagang Kapamilya performer tulad nina Joshua Garcia, Robi Domingo, Kyle Echarri, Darren Espanto, Kyla, Morisette, at marami pang iba.

Ma-in love muli sa kaniya-kinyang summer kilig treat nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Abangan din ang intense sayawan nina Maymay Entrata, AC Bonifacio, at dance royalty Kim Chiu.

Dodoble pa ang saya sa ASAP stage dahil sa special treat ni Ogie Alcasid bilang Ban Sot Mee at Eydie Waw, kasama ang favorite stars ninyong sina Enchong Dee, Jin Macapagal, Jeremy Glinoga, Aljon Mendoza, Karina Bautista, Vivoree Esclito, at Maymay.

Huwag ding palampasin ang nag-iinit na vocal showdown mula kina Martin Nievera, Nina, Janine Berdin, Sheena, Elha Nympha, vocal trio iDolls, at Zsazsa Padilla. Panoorin ang nag-aapoy na musical performance nina Lea Salonga at ng ASAP balladeers na sina Ogie, Martin, at Erik Santos, pati na ang pasabog na collab nina Popstar Royalty Sarah Geronimo at Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Maki-awit sa uplifting kantahan ni Unkabogable Star Vice Ganda, kasabay ang mga world-class singers tulad nina Gary Valenciano, Ogie, Regine, Zsazsa, Erik, Jona, Jed Madela, KZ, Jason Dy, Nyoy Volante, Angeline Quinto, Martin, at iba pa sa “The Greatest Showdown,” kasama rin ang kilalang musikero na si Sir Homer Flores.

Damhin ang mainit na pagmamahal sa best-of-the-best Sunday party mula sa longest-running musical variety show sa bansa, “ASAP Natin ‘To,” 12 ng tanghali sa local TV, worldwide via TFC, at online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Arnel Pineda, may kanta tungkol kay Cardo Dalisay

Baguhang artists na sina Khimo at Dotty, sanib-pwersa sa kantang ‘Where the Sun Goes’ kantang inspired ng lockdown, inilabas na