in

“Live streamer biritera”, Defending Bida sa ‘Centerstage’

Itinanghal si Wendy Figura, ang tinaguriang “live streamer biritera” mula Cabuyao, Laguna bilang bagong Defending Bida sa world-class singing competition for kids ng GMA Network na ‘Centerstage.’

Nasungkit ni Wendy ang titulo matapos niyang matagumpay na ipanalo ang one-on-one battle laban sa naunang Defending Bida na si Angel Daras. Gamit ang madamdaming bersyon ng “Bulag, Pipi at Bingi” ni Freddie Aguilar, pinabilib niya ang Centerstage judges na sina Pops Fernandez, Aicelle Santos, at Mel Villena sa kanyang performance.

Ngayong Linggo (Abril 11), maipaglaban kaya niya ang titulo ng pagiging Defending Bida mula sa mga bagong batch ng aspiring Bida Kids?

Tutukan ang kapana-panabik na labanan sa ‘Centerstage,’ hosted by Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Kapuso comedian Betong Sumaya bago mag-KMJS sa GMA.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Almost Paradise’ US series episode na dinirek ni Dan Villegas, ipalalabas na

‘Studio 2054’ ni Dua Lipa, mapapanood nang libre sa iWantTFC at MYX sa Abril 14