in

‘I Can See You: Truly. Madly. Deadly.,’ muling mapapanood sa GMA Telebabad

Simula ngayong Lunes (April 12), balikan ang mga kapana-panabik na eksena sa hit drama series na ‘I Can See You: Truly. Madly. Deadly.’ sa replay nito sa GMA Telebabad.

Ang ‘Truly. Madly. Deadly.’ ang huling installment mula sa unang season ng groundbreaking drama series na I Can See You kung saan tampok sina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, at Rhian Ramos.

Matapos kumalat ang kanyang scandal sa isang married man, tumakas si Coleen (Jennylyn) sa syudad at naging manager ng isang resort. Doon niya makikilala ang IT guy na si Drew (Dennis) na babago ng kanyang buhay. Kahit pilit na tinatakasan, may magpapaalala naman ng kanyang nakaraan sa pagbabalik ng best friend-turned-enemy niyang si Abby (Rhian).

Samantala, nitong nakaraang buwan ay nag-trending ang nasabing I Can See You episode sa streaming platform na Netflix. Bukod sa Truly. Madly. Deadly., maaari ring mapanood sa Netflix Philippines ang ilan pang episodes ng unang season ng I Can See You na Love on the Balcony, The Promise, at High-Rise Lovers.

Abangan ang ‘I Can See You: Truly. Madly. Deadly.’ simula ngayong Lunes, pagkatapos ng First Yaya, sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Paulo Avelino, iniligtas ang mga biktima ni Zanjoe Marudo sa ‘Walang Hanggang Paalam’

Rita Avila at Paulo Angeles, mapagtagmpayan kaya ang May-December affair sa ‘MMK’